hindi matutumbasan ang pagmamahal ko sa iyo, aking kabiyak
ni hindi ko hiniling na tumbasan mo ang ibinibigay ko sa'yo
kung nawala man ang iyong pag ibig sa akin
kahit kaunting konsiderasyon man lamang sana …
kahit hindi na bilang asawa kundi bilang Ina ng iyong mga anak.
Naghinay hinay man lang sana sa mga s alitang binitiwan mo
nagdahan dahan sa mga p asakit na binigay mo.
Hindi mo alam at kailanman ay di maiintindihan
ang lalim ng sugat at sakit .na ipinaranas mo .
Nanunuot hanggang sa aking kaluluwa
ang punyal ng dila mo at pagbabalatkayo
ngunit bawat luhang pumatak sa mga mata ko
isinusumpa kong ibabalik ko sa iyo
bawat hikbi at panaghoy di mo man nakita o narinig
ay aabot sa iyo at tatagos sa puso mo.
Biglaan mong binawi ang pag ibig na alay mo
hindi ko alam kung paano at bakit sa akin ay nagawa mo ito?
No comments:
Post a Comment